RSS Feed

Jewel Update!

Posted on

Just logged in to my facebook last Saturday and guess what?

Yung isang ka-group ko sa isang private group ay nagbigay ng update tungkol sa SRC Revisited ni Inang Reyna. Here it is:

OKAY OKAY HEIGHTENED ALERT SRC PEOPLE!!!!!!!!!!

~Nagsabi na si Miss Sonia Francesca ng upcoming novels niya. And I quote :

Sa mga nagtatanong, I’ll have new novels coming up. Isa sa PHR, Loved You Once, Loved You Still ang title. ‘Yung isa sa Dream Love Pocketbooks na A Little Not Over You ang title under my other pen name, Sumire Villegas. At yung isa ay ang Stallion: Revisited book 3 (DEVON FABRIQUIER). Please watch out for it. Thank you! Gomawo! Arigatou! Weng weng! Oleh!

….unquote.
That’s it! Si Devon na ang susunod #SRCRevisited3

-by src: revisited

share lang:)) excited much:)

Here’s one:

You can read the excerpt of  ”Loved You Once, Loved You Still” here.

Excited na rin ako!!! _Squeals_ Nakakapagbuhay ng dugo….._Sunako Mode_

Kaya ano pa ang hinihintay niyo. Mag-ipon na nang makabili ng lahat n’yan… hahaha!  Yayyyyyyy!

New Releases as of March 30, 2012

Posted on

THE INFAMOUS BIKER’S CLUB: THE LONE WOLF

BY MARICAR DIZON

“Mahal na mahal din kita. Sobra-sobra pa nga.”

The moment Carrie saw Martin, she knew she was in love.

Kaya ginawa niya ang lahat ng paraan para mapansin siya nito. Sa pagtataka niya, tila immuned sa charm niya ang guwapong binata. He always asked her to stay away from him. Pero isang bagay iyon na hindi niya kayang gawin. Kaya kahit magalit pa ito, lumalapit pa rin siya rito. Aalamin niya ang dahilan kung bakit ganoon ito sa kanya.

Ngunit nang malaman niya ang dahilan, pakiramdam niya ay isa siyang talunan. Paano ay nalaman niyang mahal pa rin pala nito ang dating kasintahan nitong namatay sa isang accident.

Kaya ba niyang makipagkompetensiya sa alaala ng isang patay na nagkataong mahal pa rin nito?

 

THE INFAMOUS BIKER’S CLUB: THE HEART THIEF

BY MARICAR DIZON

“Hindi ako humahanap ng santo na boyfriend. Okay na sa akin na ganyan ka. Mahal kita, eh.”

Parang gustong mag-back out ni Rhianna nang malaman niyang isa sa mga celebrity na idi-direct niya sa gagawin niyang liquor commercial ay si Cedric Marcelo, ang sikat na international motorcycle racing champion. She fell in love with him ten years ago, pero sinaktan lang siya nito sa pagsasabing kailanman ay wala itong sineryosong babae sa buhay nito. May expiry date daw ang pakikipagrelasyon nito sa isang babae, at isa lamang siya sa mga babaeng wala itong balak na seryosuhin.

At ngayon ay nagbalik ito sa buhay niya at sinabing “I’ll definitely win you back.”

Ninakaw na nito dati ang kanyang puso, hahayaan ba niyang nakawin uli nito iyon sa ikalawang pagkakataon?

Ang sabi ng isip niya ay “hindi,” pero kabaligtaran niyon ang sinasabi ng kanyang puso…

 

THE INFAMOUS BIKER’S CLUB: THE LOVE COACH

BY MARICAR DIZON

“Fall in love with me and I promise, I will never break your heart.”

Kahit matalino, tampulan pa rin ng panunukso ng kanyang mga kaklase si Angelique dahil sa ayos niya at paraan ng kanyang pananamit. Manang daw siya. Mabuti na lang, hindi ganoon ang pakikitungo sa kanya ng crush niya kaya bilang kapalit ay tinutulungan niya ito sa mga assignment nito. Ngunit natuklasan niyang ang pagtulong niyang iyon ang nais lang pala talaga nito mula sa kanya, at hindi dahil gusto rin siya nito. Hindi raw ito magkakagusto sa isang pangit na tulad niya.

Labis na nasaktan siya sa ginawa  nito.

Aio offered to help her seek revenge on her ex-crush. Ime-makeover daw siya nito upang ipamukha sa ex-crush niya na nagkamali ito nang saktan siya nito.

Miyembro ito ng infamous biker’s club sa unibersidad nila kaya ito ang huling taong maiisip niyang tutulong sa kanya. Aside from the makeover, sinabi pa nitong magpapanggap silang magnobyo. Pero binalaan siya nito na huwag siyang mai-in love dito dahil baka lalo lang daw mawasak ang puso niya.

But she did not heed his warning. Dahil bago pa matapos ang misyon nila, nahulog na nang tuluyan ang puso niya rito.

 

THE INFAMOUS BIKER’S CLUB: THE RUGGED KNIGHT

BY MARICAR DIZON

“I will not let you fall in love with anyone else. Sa akin lang puwede.”

Ria lived a monotonous life. Sawang-sawa na siya sa pagmamanipula ng mga makapangyarihang magulang niya. All her life, ang mga ito ang nasusunod kung paano niya patatakbuhin ang buhay niya.

Ngunit nagkaroon ng kakaibang saya ang mundo niya nang pumasok doon si Greg Ledesma, the rugged knight on a motorcycle. Sa piling nito lang niya naramdaman ang kakaibang saya at pagmamahal na hindi pa niya naramdaman sa kahit sinong lalaki. She knew it was love.

Ngunit muling nakialam ang kanyang mga magulang. Pinagbantaan ng papa niya ang buhay nito. Hindi mangyayari iyon kung papayag siyang makipaghiwalay kay Greg at pupunta sa States.

Masyadong mahal niya ang binata kaya sinunod niya ang kanyang ama.

At dahil doon ay inani niya ang poot ni Greg. Kung malalaman pa nito ang sakripisyong ginawa niya para sa pagmamahal niya rito, panahon na lang ang makapagsasabi…

 

LOVE, CAMERA, ACTION! WHEN LOVE AND HATE COLLIDE (Special Edition, 384 pages)

BY HAZE PRADO

“Walang lalaking puwedeng humalik at tumabi sa `yo sa pagtulog. Ako lang.”

Walang ibang alam gawin si Kimberly kundi ang magtrabaho nang magtrabaho. Kontento na siya sa monotonous na sistema ng buhay niya.

Until one night, she met an unfortunate incident that changed her life forever. Sa pagtakas niya sa mga dumukot sa kanya ay nagkrus ang mga landas nila ni Etienne del Fiero na katulad din niya ang kapalaran. Kagaya niya ay nalagay rin sa bingit ng kamatayan ang buhay nito nang gabing iyon.

Tinulungan nila ang isa’t isa. Ang akala niya ay doon magtatapos ang ugnayan nila. Bigla ay nagulat na lang siya nang ianunsiyo ni Etienne na fiancée diumano siya nito!

Nakiusap ito, halos manikluhod, kaya natagpuan na lamang niya ang sariling pumapayag…

New Releases as of March 27, 2012

Posted on

THE BFF TRILOGY 3: FERVENT FAWNE

BY LIAN SUAREZ

“This will be the last time you’ll cry for me. Hindi na rin kita bibigyan ng kahit anong dahilan para umiyak pa. Because from now on, I’ll give you every reason to smile and be happy by my side.”

Nagulat si Fawne nang madatnan niya ang isang lalaki sa kusina ng bahay niya na pinakikialaman ang mga pagkain doon. At ang mas ikinagulat niya ay ang atraksiyong naramdaman niya para dito, samantalang noon lang niya ito nakita. Pero dagli ring nawala ang anumang paghanga niya nang insultuhin siya nito mula ulo hanggang paa. Dahil sa galit niya, binato niya ito ng vase na hawak niya. At para makaganti ang lalaki, hinalikan siya nito—it was not an ordinary kiss, but a deep, torrid kiss—bago siya iniwan nito.

Akala niya ay hanggang doon na lang sila, ngunit nagkamali siya. Muling nagkrus ang mga landas nila ni Brayden nang ikasal ang kaibigan niya. And then things just got interesting. She fell in love with him.

Pero may itinatago pa itong lihim sa kanya—isang lihim na sumira sa magandang relasyon nila.

 

THE BFF TRILOGY 2: FAIR FIEL

BY LIAN SUAREZ

“I thought you were just another ordinary girl passing through my life. But when you walked away from me, I realized you were not.”

Walang panahon si Fiel sa mga lalaking nagkakandarapa makuha lamang ang kanyang atensiyon. Her studies would always be her priority. Pero nagbago iyon nang makilala niya si Taylor—ang unang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. Hinayaan niyang mahulog ang loob niya rito. Subalit niloko siya nito. Hindi lamang pala siya ang nag-iisang babae sa buhay nito.

Mula noon ay naging bitter na siya sa mga lalaki. Isinumpa niyang hinding-hindi na siya iiyak dahil lamang sa mga ito.

Pero nang muling magtagpo ang mga landas nila ni Taylor ay unti-unting gumuho ang depensang matagal niyang itinayo para protektahan ang kanyang puso.

Paano niya magagawang lumayo rito gayong ito pa rin ang itinitibok at isinisigaw ng puso niyang makulit?

 

THE BFF TRILOGY 1: BENEVOLENT BRIELLE

BY LIAN SUAREZ

“I can’t forget you. Just thinking of it makes me crazy. I love you and I’ll show you how much in the next years of our lives.”

Sampung taon na ang nakalilipas mula nang magtungo sa Singapore si Brielle. Subalit pagkauwing-pagkauwi pa lamang niya sa Pilipinas ay muling nagtagpo ang mga landas nila ng lalaking naging rason ng kanyang pag-alis noon—si Jason, ang lalaking unang nagpatibok at nanakit sa kanyang puso.

Ang damdaming matagal na niyang ibinaon sa limot ay muling umusbong para dito. Espesyal ang naging turing nito sa kanya. Umasa siyang sa pagkakataong iyon ay hindi na mabibigo ang kanyang puso sa pag-ibig nito. Subalit tila nagkamali siya, dahil muli ay naabutan niya ito sa piling ng ibang babae.

Paano niya magagawang paghilumin uli ang sugat na idinulot nito sa kanyang puso sa ikalawang pagkakataon?

 

A BLOGGER’S LOVE STORY (Special Edition, 144 pages; Readers’ Choice)

BY YNA PAULINA

Ang magka-crush pala ay pagpilipit sa laylayan ng aking uniporme tuwing maririnig ang pangalan niya at impit na pagtili sa pinaghalong kilig at kaba.

Gusto ni Mariposa na maging award-winning writer. Kulang na lang ay kumain siya ng salita at i-digest iyon para makapagsulat siya ng article na magpapataob sa lahat ng article ever written. Pero hindi pala siya exempted sa writer’s block. Ang solusyon? Homecoming.

In her old town, she found an old love—si Dalmacio, ang ambisyosong lawyer na gustong maging politiko. Na-in love siya rito kahit alam niyang may girlfriend na ito. She became his lover, his best friend, his home. Masaya rin siya na mas pinili siya nito kaysa sa girlfriend nito. In his arms, she stopped dreaming to be an award-winning writer because he became her dream come true.

Pero tulad niya ay may ambisyon din ito sa buhay. Paano kung ang kapalit ng pagtulong niya rito para matupad nito ang ambisyon nito ay ang pagtalikod niya sa pagmamahalan nila?

 

LOVE HAPPENS

BY EMILY REESE

Noon din niya napagtanto na nang iabot niya ang kamay niya rito kanina upang magsayaw sila ay kasamang iniabot niya rito nang buong-buo ang kanyang puso…

Ilang taon nang single si Jarysse dahil wala pa ring nagpapa- tibok ng kanyang puso. Na-traffic yata sa EDSA si Kupido kaya ang tagal bago nito mapana ang lalaking magpaparamdam sa kanya ng  kakaibang “magic.”

Hanggang sa magtagpo ang mga landas nila ng guwapo at sikat na actor na si Vigo Eusteban. Naniniwala siya na instant attraction ang naramdaman nila para sa isa’t isa. Hindi mapuknat ang titig nito sa kanya na parang siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. He even asked her on a date. Ang puso niya na dating himbing na himbing, ngayon ay gising na gising. Wala siyang duda na ito na ang “the one” niya. Mukhang kahit latecomer si Kupido ay itinodo naman nito ang pagbawi sa kanya.

Pero ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang malaman niya na wala sa bokabularyo ni Vigo ang “serious commitment.” Paano na ang pangarap niyang maging “leading lady” nito balang-araw?

 

KISSING A STRANGER

BY MARICAR DIZON

“Ang gusto ko lang, sa halip na maghanap ka nang maghanap kung saan-saan, try to look at me.”

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, kinailangang manatili ni Jena nang buong gabi sa loob ng isang hotel room kasama ang isang estrangherong nakilala lamang niya sa pangalang “Woody.” Kinabukasan, aalis na lamang siya at gigisingin ito nang biglang hinalikan siya nito. Sa pagkabigla ay umalis siya nang hindi nagpa- paalam dito.

Ang akala niya ay hindi na niya makikita uli ito. Ngunit laking gulat niya nang makita niya ito sa kompanyang pinapasukan niya. Balak sana niyang iwasan ito ngunit nakita agad nito ang plano niya. Tila nang-iinis na kinuha pa siya nito bilang temporary secretary nito. Walang araw na hindi siya binu-bully nito kaya banas na banas siya rito.

Ngunit sa kabila ng lahat ay natagpuan niya ang sariling nahu- hulog ang loob dito at mukhang ganoon din ito sa kanya. Ang kaso, kabaligtaran ito ng lahat ng gusto niya sa isang lalaki. Di-hamak na mas bata ito sa kanya. Madalas na hindi sila magkasundo dahil magkaiba ang ugali nila.

May silbi pa bang sumuong siya sa isang relasyong alam niyang hindi maganda ang kahahantungan?

 

TRAJE DE BODA TRILOGY 1: CHARO (Special Edition, 256 pages; Readers’ Choice)

BY VANESSA

“Minahal kita nang hindi sinasadya. Wala na akong ibang plano ngayon kundi ang makasama ka…”

Napilitan si Charo na magpakasal kay Iñigo dahil iyon ang dying wish ng kanyang ama. Tutol na tutol ang kalooban niya roon sapagkat hindi naging maganda ang unang impresyon niya sa aroganteng lalaki—nakita niya ito sa isang hindi kaaya-ayang tagpo sa isang pampublikong lugar pa mandin.

Ngunit paano nga ba niya lalabanan ang atraksiyong nadarama niya rito kung napaka-sweet naman pala nito? He was the perfect husband. Sa bawat araw ay nahuhulog ang loob niya rito.

Pero palabas lamang pala ang lahat. Isa lamang pala siyang tauhan sa malaking plano nitong pabagsakin ang kanyang ama…

 

LUCKY WE’RE IN LOVE

BY MARIONE ASHLEY

“Love isn’t about who did wrong and who should do the right move. It’s about fighting for your feelings no matter how much you’ve been hurt.”

Lakas-loob na nagtapat si Yanie ng pag-ibig sa kaibigan niya na si Kei pero halos madurog ang puso niya sa ibayong sakit nang deretsahang sabihin nito na kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. Upang makalimot ay nilayuan at iniwasan niya ito.

Limang taon ang lumipas na hindi sila nagpapansinan. Nakaya niyang mabuhay nang hindi kasama si Kei. Hanggang isang araw ay nilapitan siya nito dahil sa nalaman niyang sekreto nito. Gusto rin nito na ibalik ang nasirang pagkakaibigan nila pero alam niya na nagkukunwari lamang ito upang kunin ang loob niya at hindi siya magsalita laban dito.

Pero siya na yata ang reyna ng katangahan dahil naniwala pa rin siya rito. Hanggang sa ang damdaming akala niyang naglaho na ay muling umusbong. Ngunit ang inaakala niyang totoong pagmamahal nito ay lokohan lamang pala talaga.

Mukhang hindi na Band-Aid ang kailangan ng puso niyang sugatan kundi ang pagmamahal ni Kei—pagmamahal na malabong makuha niya.

 

ALL I NEED IS YOU

BY LAURICE DEL RIO

“I never thought I’d ever see the day when you’ll be back in my life. So when it happened, I was far too scared to believe it’s true…”

Ang sumikat—iyon ang ultimate dream ni Monique noon. Nagtagumpay naman siya. Isa na siya sa kinikilalang singer sa bansa. But she realized being a star has its drawbacks. Isa na roon ang kawalan ng pahinga. Para magkaroon siya ng kahit katiting na oras para sa sarili niya, napilitan siyang takasan ang mala-drill sergeant manager niya na si Tita Aths. Dahil doon, nagtagpo ang mga landas nila ni Bjorn, isang struggling mechanic na ilang beses na sanang umunlad sa buhay kung hindi lang laging nasisilat dahil sa kapatid nitong sakitin.

Pahinga lang ang hanap niya ngunit dahil sa madalas na magkasama sila ni Bjorn ay may isa pa siyang natagpuan: ang pag-ibig. Ngunit saan siya kukuha ng oras na ilalaan doon? Paano kapag nakialam na ang mga tao sa mundong ginagalawan niya na likas naman talagang mga pakialamera?

She loved Bjorn, but for his sake she had to let him go. Saka niya natuklasan na ang lahat ng yaman at kasikatang taglay niya ay hindi kayang punan ang pagkawala sa buhay niya ng lalaking kanyang minamahal.

 

LOVING MR. WRONG

BY PEARL HERMOSA

“Bago mo pa man inamin sa akin na mahal mo ako ay naramdaman ko nang mahal na kita.”

Mula nang masaktan si Rachel dahil sa isang playboy ay nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki. Kaya nang magtagpo ang mga landas nila ng numero unong babaero na si Alfred Hugo at magpahiwatig ito ng damdamin sa kanya ay todo-iwas ang ginawa niya huwag lang siyang mahulog sa bitag nito. Paano kasi, hindi lingid sa kanya na “sex” lamang ang habol nito sa mga babae.

“Wala akong planong makipag-sex sa `yo,” tahasang sabi niya rito nang lapitan siya nito.

“Me neither,” sagot nito. “Dahil ang mga babaeng katulad mo ay dapat sineseryoso. Wala akong balak na makulong sa isang seryosong relasyon.”

Ironically, they became friends.

Ngunit isang araw nagising na lang siyang umiibig kay Alfred. He fell for a womanizer. Again! Pero hindi siya natakot. Sa halip ay sinabi niya rito ang nararamdaman niya. She followed her heart. Naniniwala kasi siya na siya na ang babaeng makakapagpatino kay Alfred.

Iyon ang akala niya…

 

RACE WITH ME

BY HANA REI

“Dahil sa `yo, kakayanin kong harapin ang lahat ng takot ko. Basta alam kong nasa tabi kita at hawak ko ang kamay mo, alam kong  makakaya ko.”

Kakatwa ang unang pagtatagpo nina Caress at Bjorn. Inakala ni Caress na pari ang binata at naikumpisal pa niya rito ang pagkakaroon niya ng secret crush sa kanyang kababata. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang madiskubreng si “Father Bjorn” ay hindi pala pari at ang kababatang crush niya ay kaibigan pala nito.

Inis na inis siya sa panloloko nito sa kanya. Pero determinado itong humingi ng tawad sa kanya. Ginawa nito ang lahat para mapaglubag ang loob niya. At nang sa wakas ay pumayag siyang makipagkaibigan dito, nadiskubre niyang mabuting tao ito. Ramdam niya na unti-unti ay nahuhulog na ang loob niya rito.

Pero isang lihim nito ang natuklasan niya na maaaring sumira sa namumuong pagtitinginan nila…

 

ANG MGA LOVE DILEMMA NI JANE (Readers’ Choice)

BY YNA PAULINA

Gusto niyang makita uli ang ngiti nito. It was a very pretty smile. Pakiramdam niya, parang bumubukas ang pinto ng langit tuwing ngumingiti ito.

Secretly in love si Jane sa best friend niyang si Ken pero may girlfriend na ito, si Lily. Gustuhin man niyang makipagpaligsahan sa babae para masungkit ang puso ni Ken ay hindi maaari. Wala siyang pag-asang manalo. Kung itatabi siya sa maladiyosang kagandahan nito ay magiging mas plain pa siya kaysa sa pangalan niya. Nang ibalita ni Ken na ikakasal na ito at si Lily, gumuho ang mundo niya. Mukhang babaunin na lang niya hanggang sa hukay ang lihim na pagsinta sa best friend niya.

Pero tila isang biro ng tadhana na kung kailan isinuko na niya ang pag-asang isang araw ay mapapasakanya rin si Ken ay saka naman niya nalaman na hindi na matutuloy ang kasal nito. Tila nakakasilip na siya ng malaking pag-asang liligaya na rin siya sa wakas.

Huwag na huwag lang subukan ni Lily na bumalik sa buhay ni Ken…

New Releases as of March 20, 2012

Posted on

MAY BUKAS PA (SANTANINA’S LOVE STORY)

BY STAR CAÑETE

“Bakit mo `ko tinititigan? May mali ba sa akin o may tama ka sa akin?”

Hindi type ni Santanina ang masugid na manliligaw niyang si Betong. Paano kasi ay isa lamang magsasaka ito na may maraming sideline. Mag-iisang dekada nang nanliligaw sa kanya ang binata ngunit tuwina ay binabasted niya ito. Ambisyosa siya at ang nais niya ay maging instant milyonarya kaya naghahanap siya ng mayamang mapapangasawa.

Para sa kanya, si Betong ang hadlang sa kanyang mga pangarap. Kaya isang araw ay isinampal niya rito ang katotohanan. Mula noon ay umiwas na ito sa kanya.

Akala niya ay matutuwa siya nang mawala na ito sa buhay niya. Hindi ganoon ang nangyari. Hahanap-hanapin pala niya ito. Bigla ay na-miss niya ang mga pick-up line nito. Nagseselos siya sa bagong nililigawan nito.

May gusto na yata siya kay Betong at handa na siyang lunukin ang kanyang pride at talikuran ang kanyang mga pangarap.

Ngunit paano mangyayari iyon kung nasaktan na niya ito nang labis?

 

ANOTHER GROW-OLD-WITH-YOU STORY

BY EZRA LINDSEY

“Kahit ayaw kong mahalin ka, may magagawa ba ako?”

Bata pa lamang si Gabrielle ay namulat na siya sa magulong mundo ng showbiz dahil sa kanyang ina na dating artista at ngayon ay talent manager ng sikat na banda—ang Out of the Blue. Ang propesyong iyon din ang sumira sa masayang pamilya nila kaya nangako siya sa sarili na hinding-hindi siya papasok sa showbiz kahit pilit siyang hinihikayat ng kanyang ina.

She wanted a simple life. Kontento na siya sa pagiging businesswoman.

Isang araw ay ginulo ng lead vocalist ng Out of the Blue na si Jaden ang mundo niya. Panay ang lapit nito sa kanya, treating her like she was the most beautiful and important woman in his life. Natutuhan na rin niyang mahalin ito pero natatakot siyang tugunin ang damdamin nito.

Pero nang makita niyang may kasama ito na isang magandang babae, naalarma siya at biglang kinalimutan ang mga inhibisyon niya. “Babawiin” niya ito sa babaeng iyon. Sana nga lang ay tama ang gagawin niya dahil sa nakikita niya ay masaya si Jaden na kasama ang babae.

 

MARRYING A STRANGER

BY MARICAR DIZON

“Sa sarili kong paraan, kahit kaunti, hindi ko ba naiparamdam sa `yo kung gaano ka kahalaga sa buhay ko?”

Labag man sa kalooban ni Lettie ay wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ng kanyang ama na pakasalan niya si Damon Valencia, ang apo ng matalik na kaibigan ng nasira niyang lola. Iyon ang paraan na naisip nito para mabayaran ang malaking utang ng pamilya nila. Nalulong kasi ang ama niya sa casino.

Ngunit sa unang pagkikita pa lamang nila ni Damon ay  hindi na agad maganda ang impresyon niya rito. Sa tingin niya ay mahihirapan siyang pakisamahan ito.

Ngunit nang makasama na niya ito ay na-realize niya na hindi naman pala masama na maging may-bahay nito. Hanggang sa tuluyan nang mahulog ang loob niya rito. Iyon nga lang, alam niyang delikado ang puso niya rito dahil kahit nagsasama na sila ay nananatili pa rin itong estranghero sa kanya. Maraming lihim sa pagkatao nito at isa sa mga iyon ang dumurog sa kanyang puso.

 

MY LOVELY GYPSY

BY TYRA

She could feel the possessiveness in the way he held her. As if she already belonged to him.

Nakilala ni Serah sa New York ang mukhang European prince sa kaguwapuhan na si Giles Martinez. Pero dahil sa isang maling akala, hindi naging maganda ang unang impresyon niya rito. Nang masundan pa uli ang pagkikita nila, mas malamig pa sa snow sa Amerika ang pakikitungo niya rito. Sa ikatlong pagkakataon na nagkita sila ay nalaman naman niyang makakatrabaho pala niya ito. Si Giles ang musical director sa isang play na siya ang choreographer.

Sa mga rehearsal nila ay pilit niyang iniiwasan ito pero panay ang lapit nito sa kanya. Kahit wala itong kinalaman sa pagtuturo niya ng mga routine ay nagbababad ito sa dance studio at pinanonood siya. That was when she started to be conscious because of his presence. Kapag tinititigan kasi siya nito ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

Ngunit sadyang binibiro yata siya ng tadhana—dahil kung kailan may espesyal nang damdamin na sumisibol sa puso niya para dito ay saka naman huminto ito sa paglapit at panonood sa kanya. At halos madurog ang puso niya nang makita niya na may kasama itong iba.

 

SLEEPING HEART

BY KANDICE GONZALES

“Ganoon yata kapag mahal mo ang isang tao. Nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo madalas na ginagawa.”

Nakita ni Janicka ang katangian ng kanyang Prince Charming sa katauhan ni Jeff kahit noong una ay suplado ito. Pero dahil sa pangungulit niya ay naging kaibig-ibig ito.

Na-in love sila sa isa’t isa. Ngunit may hadlang: kailangan nitong magtungo sa Amerika para mag-aral. Hindi niya sinalungat ang bagay na iyon. Siya pa ang nagtulak dito na umalis—kahit masakit para sa kanya.

Pagkalipas ng limang taon, bumalik sa bansa si Jeff. Kahit wala silang communication ay wala raw nabago sa damdamin nito para sa kanya. Handa na itong ituloy ang pagmamahalan nila.

Pero nakatakda na ang kasal niya sa ibang lalaki…

 

ASERON WEDDINGS: YOU’RE MY SAFEST PLACE TO HIDE (Special Edition, 256 pages)

BY DREAM GRACE

“Mahal kita… Kung kinakailangang maghintay ako nang sampung taon mapatunayan ko lang sa iyong ikaw lang ang babaeng nasa puso ko, gagawin ko.”

Kung si Ceza ay reyna ng kaprangkahan dahil sa matalim niyang dila, si Ethan naman ay kilala bilang “the silver-tongued charmer” dahil sa mabulaklak na dila nito.

Nasa opposite poles silang dalawa na napakalayo ang distansiya sa isa’t isa. Ang itim para sa kanya ay itim at ang puti ay puti. Ngunit sa mundo ni Ethan, lahat ay gray. She hated chaos, while he thrived on it.

Kaya nang malaman nilang gusto ng lolo ng binata na ipareha sila sa isa’t isa, pareho silang nataranta at nagkukumahog na nagkasundo na hindi nila hahayaang manipulahin sila ng Cupid-wannabe na matanda.

But she soon found herself wanting her own “and they lived happily ever after” with Ethan. Pero hindi pala ganoon kadaling mahalin ang isang tulad nito. Lalo na nang malaman niya ang tungkol sa babaeng minsan na nitong inalok ng kasal, ang babaeng muling nagbalik at tila handang bawiin si Ethan…

 

SUDDENLY YOU’RE MINE (Special Edition, 144 pages)

BY JESSICA SISON

“I won’t give up, Lyris. I will bend all reasons, until there’s no other reason left for you not to take me back.”

Si Zac ang kabaligtaran ng lalaking pinapangarap ni Lyris: ungentleman, insensitive, bully, a playboy. Sa madaling-salita, bad boy.

Ito ang madalas na sumisira ng kanyang araw. Hindi siya makatagal na kasama ito. Kaya hindi niya maintindihan nang isang araw ay natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na nami-miss ito. Nabubugnot din siya kapag hindi niya ito kasama.

Suddenly, he made her day. Suddenly, she was in love with him and forgot he was incapable of loving.

Ano ang nangyari? Bigla bang nagbago ang ikot ng mundo?

 

LET ME STAY WITH YOU

BY CADY LORENZANA

“Hindi magawa ng puso ko na umibig sa iba tulad ng pag-ibig na inukol ko sa `yo.”

Bata pa lamang si Marianne ay pangarap na niyang maging isang sikat na theater actress, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Pangarap niyang mahigitan ang tagumpay na naabot ng kanyang abuela na noon ay sikat sa larangan ng pag-arte.

Until she met Caspian Cameron Marasigan. Hindi niya pinlano na ma-in love sa edad na disiotso ngunit ginulo nito ang puso at isip niya. Palagi itong nasa tabi niya upang suportahan ang pangarap niya. Minahal siya nito kahit alam nitong wala sa isip niya ang salitang “pag-ibig.” Hanggang sa maramdaman na lang  niyang nahuhulog na ang puso niya rito. Namomroblema siya dahil hindi niya kayang pagsabayin ang pag-ibig at ang pangarap niya kahit na sinabi nitong kaya nitong manatili sa tabi niya sa kabila niyon.

Pero sa lahat ng mga ginawa at sinabi nito sa kanya, mas pinili pa rin niya ang pangarap niya kaysa rito.

Huli na nang matanto niyang nagkamali siya sa napiling desisyon…

New Releases as of March 12, 2012

Posted on

MR. HEARTBREAKER

BY LAURICE DEL RIO

Her eyes drank their fill as she gazed at him. Hindi yata siya magsasawang titigan ito.

Mula nang dalawang beses maging biktima ng mga palikerong lalaki si Maryzai ay nagkaroon na siya ng matinding galit sa mga playboy. Kaya buong-buo ang simpatya niya sa kaibigan niyang si Karen nang mag-break ito at ang boyfriend nito na si Charles pagkatapos mahuli ni Karen na may nakakandong na babae sa nobyo nito.

Nagkaudyukan silang magbabarkada na gantihan si Charles. At ang napili ng mga ito na gumanap sa papel ng vigilante queen ay walang iba kundi si Maryzai. Ayaw sana niya pero nang matiyempuhan niya sa isang bar ang lalaki ay nanariwa sa alaala niya ang ginawa sa kanya ng exes niyang kagaya nitong playboy. Kaya nang subukan siyang pick up-in nito ay nagpa-pick up naman siya.

Nagpahabol-habol siya kay Charles. So what kung nag-e-enjoy siya sa pagpapa-hard to get niya? Hanggang sa ma-realize niya na habang mas nakikilala niya ang lalaki ay unti-unti rin siyang nalilihis sa orihinal na misyon niya. Mukhang nai-in love na siya rito.

Dalawa lang ang choice niya: ang pikit-matang sundin ang udyok ng puso niya kesehodang makasakit siya ng damdamin ng iba, o siya na lang ang masaktan.

 

HETO NA ANG PAG-IBIG

BY JULIANNA RAN

“Hindi na ako maduduwag. Sa lahat ng taong nandito, isisigaw ko na mahal kita.”

Hindi naniniwala si Arita na kailangan niya ng isang lalaki sa buhay niya para maging masaya siya. Hindi pa kasi niya naramdamang magkagusto sa isang lalaki o humanga man lang sa mga ito. Masyadong pihikan ang puso niya at hindi niya iniisip na isang problema iyon. 

Hanggang sa makilala niya si Bunsji Ibañez, isang guest sa hotel na pinagtatrabahuhan niya. Taglay nito ang mga katangiang hindi niya inaasahang magpapagulo sa isip at puso niya. Bigla siyang nataranta. Para siyang natutunaw sa mga titig nito. Higit sa lahat, nagdiriwang ang puso niya tuwing sinusundan siya nito at kinukulit kahit sinusupladahan niya ito.

Dumating ang araw na kailangan na nitong umalis at bumalik sa Maynila. Nangako ito na babalikan siya. Umasa ang puso niya sa pangako nito.

Ngunit ganoon na lang ang pagkadurog ng puso niya nang sa muling pagtatagpo ng mga landas nila ay nagbago na ito. Tila wala nang pakialam ito sa kanya.

 

JUST ONE REASON

BY WILHELMINA

“I don’t chase after something that I know is not for me… But I love you so much to just let you go without a fight.”

Para kay Ysh, kailangan nang matigil ang pagmumukmok ni Wing. Hindi niya hahayaang patuloy na nagmamahal ito sa isang babaeng ikakasal na. After all, he was her best friend. Kaya ginawa niyang misyon sa buhay ang i-matchmake ito.

Hindi man interesado si Wing ay napilit niya ito. Hanggang sa wakas, mukhang naka-jackpot na siya at nahanap ang perfect match para dito.

Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit kung kailan mukhang nakaka-move on na si Wing sa napakatagal na heartbreak nito at sasaya na ito ay hindi siya masaya? Ginawa nga niya ang lahat para mapasaya lang ito, hindi ba?

Isa lang ang sigurado niya: nasasaktan siya na masaya na si Wing sa piling ng ibang babae. Ang tanong, bakit?

 

OUR LOVE STORY (ANTON AND PAIGE)

BY ALOHA JADE

“We all have our reasons for loving and we all have our ways of expressing it. You are my reason for loving and not letting you go is my way of expressing how much I love you.”

Paige Garcia was a budding romance writer. Nang tumaas ang sales ng mga libro niya, naging challenge iyon sa kanya na pagbutihin pa lalo ang pagsusulat ng mga kuwentong mas magugustuhan at kagigiliwan ng mga mambabasa. Kaya nagpasya siyang umuwi sa Iloilo para makahanap ng inspirasyon sa bagong kuwentong isusulat niya.

Anton Canseco was a beach bum. Dahil sa panggugulo sa kanya ng ex-girlfriend niya ay nagpasya siyang lisanin ang Manila para mamuhay nang tahimik sa probinsiya, malayo sa dating nobya at sa kahit sinong babae.

Paige and Anton met at the airport. She was looking for love, he was running away from it. They were two opposite poles yet their meeting led to something definitely wonderful.

Hindi inaasahan ni Paige na ang kuwentong maisusulat niya ay walang iba kundi ang kuwento nila ni Anton. Sana lang mabigyan nila ang kuwento ng happy ending.

 

HER PRIDED LOVE

BY GABRIEV FUENTES

“Funny, I wasn’t scared of death and yet I was so scared of the thought that I might not see you again.”

Sa kagustuhang makaganti ni Hera sa talipandas na ex-boyfriend niya ay tiniktikan niya ito. She wanted to put her specialty to use—taking pictures. Gusto niyang mahuli sa akto ang pambababae nito. Ngunit sa halip na tagumpay ang makamit niya, nanganib ang buhay niya. Napagkamalan siyang nag-eespiya sa isang babaero ding politiko para sa pobreng asawa nito.

Dahil sa takot na baka matagpuan na lamang ang kanyang bangkay kinabukasan, napilitan siyang humingi ng tulong sa taong inakala niyang nakalimutan na niya—Jansen Kendrick Uytengco, her first love.

Inaasahan na niyang ipapahiya at tatanggihan siya nito. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang walang sabi-sabing hinalikan siya nito.

Could this be the start of something new?

Hmm…

 

A LOVE FOR ERA

BY JESSICA SISON

“Kahit saan ka magpunta, susundan kita. I can leave everything and everyone behind to be with you.”

When her father—the only man who loved her—died, Era felt so alone. Naroon naman si Ritter na nakahandang dumamay sa kanya pero sinabi niyang hindi niya ito kailangan. But he made her realize she was wrong. She needed him. He offered her his shoulders, his friendship, and later on, his love. Hindi siya nito iniwan at nangakong hinding-hindi siya iiwan. Ganoon siya nito kamahal, at mahal na mahal din niya ito. They planned their future together. At hindi nila hahayaan ang ibang taong sirain iyon. Iyon ang sabi niya noon. They couldn’t be swayed. They wouldn’t give up.

But she did.

 

HOT INTRUDER: CARMELO, THE SWEET INTRUDER

BY VANESSA

“I knew that like before, seeing you smile would make my day. Making you laugh would be my day’s greatest reward. Waking up in the morning with you beside me would take my breath away.”

Dahil sa pag-aakalang may taning na ang kanyang buhay, naging adventurous ang konserbatibong si Kate. Ninais niyang gugulin ang nalalabing panahon sa buhay niya sa pagpapakasaya at pagtulong sa isang tao na mabago ang buhay nito.

Isang gabi ay dumating si Carmelo sa buhay niya. Inakala niya noong una na isa itong masamang-loob na nagtatangkang magnakaw sa bahay na pinagbabakasyunan niya. Naging makabuluhan at espesyal ang bawat minuto ng buhay niya dahil dito. Nahiling niya sa Diyos na sana ay habaan pa ang buhay niya para makasama pa niya ang lalaking sa sandaling panahon ay natutuhan niyang mahalin. Pero kasabay ng pagkatuklas niya na hindi pala totoong mamamatay na siya ay ang paglayo nito sa kanya…

 

MIGUEL ENCARNACION

BY CASSANDRA

Laging naroon si Miguel para kay Elaine. Mula pagkabata hanggang sa paglaki niya ay dumarating ang binata kapag kailangan niya ito. Pangalawa ito sa puso niya, kasunod ng kanyang ama. He was her best friend.

He said he loved her. Of course she knew that because she loved him, too—like a very dear friend.

Pero nang malagay siya sa sitwasyong muntik nang kumitil sa buhay niya at sagipin siya nito, nang hindi ito umalis ng tabi niya at nagsilbing sandalan niya upang malampasan niya ang madilim na bahaging iyon ng buhay niya, bigla siyang napaisip.

What exactly did Miguel mean when he said he loved her? Sa tindi ng pagsasakripisyo nito para sa kanya, dapat ba niyang pagdudahang higit pa sa kaibigan ang pagmamahal na sinasabi nito?

NEW RELEASES AS OF MARCH 6, 2012

Posted on

MY SUNSET

BY CAMILLA

 

“Kung puso lang ako, natitiyak ko na mas mabilis pa ang tibok ng puso ko kaysa sa’yo tuwing kasama kita, nayayakap, at nahahalikan…”

          Upang bigyan ng kasagutan ang mga tanong ni Sunset tungkol sa kanyang pagkatao, sumali siya sa Talinhaga, isang lihim na samahang itinatag para sa pag-aaral ng mga kakaibang element, ng mga bagay na mahirap ipaliwanag, at para sa pagkupkop ng mga taong hindi ordinaryo.

Doon ay nakilala niya si Manu, a man whose face looked both young and ancient. Ang kutis nito ay perpekto, hindi pa nagagatlaan ng panahon, hindi namamarkahan ng kapabayaan.

Ngunit ang mga mata nito ay sa isang taong nakita at naranasan na ang lahat, mga matang kasintanda na ng panahon, mga matang tila kay tagal nang nangungulila sa kung ano o kung sino.

Manu was the man for her, she learned along the way. Pero sa gitna ng maraming banta sa buhay niya at sa iba pang miyembro ng Talinhaga, tila mas pinangangambaan niya ang nararamdaman niya para kay Manu at sa kung ano ang mayroon sa pagitan nito at ni Jasmine – ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng mga kasamahan niya.

PESTE NG BUHAY KO, LAMAN NG PUSO KO

BY LAURICE DEL RIO

 

“There’s one mistake I don’t want to commit; iyon ay ang hayaang mawala ka sa `kin.”

          Nang magpunta sa ibang bansa ang best friend ni Aileen na si Jojie ay saka niya na-realize na hindi na lang pala pagkakaibigan ang gusto niyang mamagitan sa kanila. Kaya nang sabihin nito na uuwi na ito ay makukulay na pangarap ang sinimulan niyang ihabi—mga pangarap na gumuho on the spot nang malaman niyang may girlfriend na ito. Hindi lang iyon, gusto pa nitong hingin ang opinyon niya kung karapat-dapat na ba nitong pakasalan ang dalaga.

Pumayag siya sa pag-asang kaya niyang sirain ang magandang pagtitinginan ng dalawa. Ang problema ay ang buwisit na si Jace, ang kapatid ng napipisil na mapangasawa ng BFF niya.

Guwapo sana ito pero nuknukan naman ng presko. Siya ang napili nitong pagbuhusan ng abilidad nitong manira ng araw. Ngunit dumating ang puntong parang nagpaparamdam na ito sa kanya.

Deny to death naman siya na nagkakagusto na rin dito, pero nagkaroon ng panahong hindi na niya maitanggi iyon. At noon niya nalaman na malabo naman palang maging seryoso ito sa kanya…

WHEN MISS NBSB MEETS MR. BULLY

BY AYA MYERS

“Hindi mo pa rin ba matanggap sa sarili mo na ako ang future mo? Dahil ako, sigurado akong ikaw ang magiging asawa ko.”

Hindi pa nagkaka-boyfriend si Catherine. Hopeless romantic kasi siya. Ang gusto niya, kapag pumasok sa isang relasyon ay dahil mahal niya ang isang lalaki at hindi para magkanobyo lang.

Pero wala yatang Prince Charming na nakalaan para sa kanya dahil ni minsan ay wala pang lalaking nagpakabog nang husto ng puso niya.

Hanggang sa umeksena sa buhay niya si Lance Pierro Alvarez.

Mayaman ito, matalino, at guwapo. Okay n asana ito – kung hindi lang ito punong-puno ng angas at yabang. Ipinangako niya sa sariling hindi siya magpapadala sa killer smile nito at babalewalain niya ang malalagkit na titig nito.

Pero sadyang palabiro ang tadhana. Dahil nang minsang malagay sa panganib ang buhay niya ay ito ang naroon para sagipin siya, na parang handa itong ialay ang buhay nito huwag lang siyang mapahamak.

Paano pa niya pipigilan ang puso niya na mahulog dito? Ang lakas pa naman ng loob niyang ipamukha rito noon na hindi niya type ito!

LOVE AT FIRST SIGHT

BY JULIANNA RAN

“Kaya nga ang sabi ko sa’yo, ayaw kitang maging kaibigan. Because all I wanted from the very start is for you to be mine…”

          Kinailangang sugurin ni Beans ang mga taong may atraso sa kaibigan niyang labis na naagrabyado. Wala siyang pakialam kahit mag-isa lang siya at mga lalaki ang makakalaban niya.

Ngunit biglang umeksena si Cameron Elejorde—ang crush niya dati ngunit kinaiinisan na niya ngayon dahil para sa kanya ay napakayabang nito. Eh, ano ngayon kung pantasya ito ng kababaihan at mga bading sa eskuwelahan nila? Kaaway ang turing niya rito, lalo na nang ipagtanggol nito ang kaibigan nitong katulad nitong sutil. Nakatikim ito at ang mga kaibigan nito ng masasakit na salita mula sa kanya. Hindi pa sana siya titigil hanggang sa patahimikin ng mga labi nito ang nag-iingay niyang mga labi.

Noon niya napatunayan na ibang usapan na pala kapag natikman na niya ang mga labi nito. Para siyang idinuyan sa ulap—at may hatid iyong pangako ng samut-saring ligaya sa mundo. Ang puso niya ay biglang nalito.

Dahil ba sa isang halik lang ay bibigay ang puso niya sa lalaking itinuturing niyang kaaway?

FOR THE LOVE OF YOU

BY SUZETTE DOMINGO

“I had loved you on your worst. Hindi pa ba sapat na patunay iyon kung gaano kita kamahal?”

          Tumakas si Sofia Calig sa kanyang ama at madrasta dahil nais ng mga itong ipakasal siya bilang pambayad- utang. Dahil sa kagipitan, napilitan siyang magpanggap na ibang tao upang makakuha ng trabaho. Naging personal secretary siya ni Anton. May kapansanan ang amo niya sanhi ng isang aksidente. Ngunit sa kabila niyon, hindi niya maintindihan ang kaba at bilis ng pintig ng puso niya tuwing napapalapit siya rito.

Handa siyang ibigay rito ang lahat sa kanya. Ngunit paano kung makabalik na ito sa dating mundo nito, makilala pa kaya siya nito? Higit sa lahat, mahalin din kaya siya nito?

FOR THE LOVE OF JEREMIAH

BY SONIA FRANCESCA

“Huwag kang masyadong makipaglapit sa akin. O sa ibang babaeng hindi mo naman talaga girlfriend. Alam mo kasi, madaling mahulog ang loob ng mga babae sa mga mabait na lalaki. Lalo na sa tulad mo.”

          Iniwan si Janeth ng kanyang ka-date na si Jaycob—ang bassist ng sikat na bandang Sentinel. Ayos lang iyon sa kanya dahil hindi naman ito ang puntirya niya nang gabing iyon kundi ang guwapong record producer ng banda—si Jeremiah.

Crush niya ito noong una pa lang niyang makita ito.  Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Iyon ang nagbigay-daan para magkalapit sila ng binata at makilala niya ito nang husto. Her crush blossomed into love because he was everything any woman would look for in a man.

Ang kaso, may girlfriend na ito.

Puwede pa siguro siyang sumubok. Tutal, girlfriend pa lang naman ito ni Jeremiah. Naniniwala siyang, all is fair in love and war…

THREE WORDS, EIGHT LETTERS, ONE HEART (Reader’s Choice)

BY AYA MYERS

“Ang plano ko, liligawan kita, pasasagutin, at pakakasalan.”

Ang akala ni Emerry ay perpekto na ang buhay niya dahil nasa kanya na ang lahat—mapagmahal na mga magulang, magandang trabaho, at si Miguel na pinakamamahal niya at mahal na mahal din siya.

Pero pinaglaruan yata siya ng tadhana dahil bigla na lang namatay si Miguel. Sa pagkamatay nito ay parang bula ring naglaho ang mga pangarap nila.

She thought Miguel brought her heart with him and she would never fall in love again. Pero bigla na lang umeksena sa buhay niya ang dating kaibigan niya na si Ryan. Napakaraming pagkakapareho nito kay Miguel at kung umakto rin ito ay animo may karapatan itong pakialaman ang buhay niya.

Hanggang sa matagpuan na lamang niya ang sariling naguguluhan sa nararamdaman niya. Posible bang sabay na magmahal ng dalawang tao ang puso niya? Sigurado siya sa sarili niyang para kay Miguel lamang ang puso niya pero bakit tila nakikihati na roon si Ryan?

Hanggang sa matuklasan niya ang isang kasinungalingan na parehong kinasasangkutan nina Miguel at Ryan…

HOT INTRUDER: ARTHUS, ANG PAMBIHIRANG FARM BOY

BY ROSE TAN

“ ‘Kaaliw kang mambastos, hindi offensive.”

Pumasok sa tindahan ng mga muwebles si Demi para manmanan ang kanyang nobyo. Aksidenteng nakabasag siya roon ng mga mamahaling gamit. At dahil hindi niya kayang bayaran ang lahat ng iyon, pumayag siyang manilbihan sa may-ari ng tindahan na dinala siya sa malayong bayan.

Pero napaslang ang amo niya kaya malaya na siya sa pagkakautang. Ang kaso, sa huling gabi niya sa bahay nito ay pinasok sila ng magnanakaw. Hinataw at iginapos niya ang lalaki kaya nawalan ito ng malay. Pero pagkakita niya kung gaano ito kaguwapo ay hindi niya napigilang titigan ito.

Nakakapanginig ng bikini bottom ang kaguwapuhan ng magnanakaw.

Nang magising ito ay agad niyang itinanong ang pangalan nito. Ito raw si Arthus. At parang tutol ang bikini bottom niya.

THE QUITTER AND THE PERSISTENT LOVER ( A Special Edition, 144 pages)

BY MAAN BELTRAN

“No matter what happens, I will never leave you.”

Ayaw nang ma-involve ni Charrie sa mga lalaking workaholic. Ayaw niyang magkaasawa ng katulad ng kanyang ama na napabayaan silang mag-ina dahil sa pagiging workaholic nito. Pero dumating sa buhay niya si Rick, isang annulment lawyer at certified workaholic. Binago nito ang paniniwala niya sa mga lalaking workaholic. He made her feel she was his top priority.

Ang puso niyang dating nag-aalinlangan ay lakas-loob na sumubok sa piling nito. Pinanghawakan niya ang pangako nito na kahit ano ang mangyari ay paglalaanan siya nito ng oras.

Tinupad naman nito ang pangakong iyon. Tila sa kanya na umiikot ang mundo nito.

Ang hindi niya inaasahan ay darating pala ang panahong hindi na nito kayang panindigan ang ipinangako nito…

MY HAPPY EVER AFTER

BY SKYE REYES

“I don’t care if my life gets more complicated, as long as you’re with me and painting it with memories I’ll treasure in my life.”

Napilitan si Steffani na magpanggap sa katauhan ng kanyang kakambal na si Stella dahil na rin sa pakiusap nito. Sa kanyang pagpapanggap, nakilala niya si Clovis Alferez, ang lalaking unang nakapagpanginig ng mga tuhod niya sa pamamagitan lang ng mga titig nito. Nahulog ang loob niya rito at naging masaya siya sa piling nito. Subalit hindi niya maipakita rito ang totoong siya dahil ang alam nito ay siya ang class at successful na kakambal niya. Inani niya ang galit nito nang sabihin niya rito ang katotohanan. Their love story ended without a happy ending.

Anim na taon ang lumipas nang magtagpo uli ang kanilang mga landas. Gaya ng inaasahan, hindi pa rin kumukupas ang pagtingin niya rito. Sa ipagtatapat niya rito at sa hawak niyang alas ay nabubuhayan siya ng pag-asa na sa wakas ay magkakaroon sila ng happy ending.

Pero mukhang malabo pa yata sa tubig-kanal na mangyari iyon, dahil natuklasan niyang may pakakasalan na itong iba…

HOT INTRUDER: ISAAC, THE IN DENIAL ROMANTICO

BY MAAN BELTRAN

“You’re the type of girl every guy wants to keep forever. The girl every guy wants to see every morning of his life.”

Limang taong huminto sa pagsusulat si Sasha bago niya naisipang bumalik. Ang kaso, kahit ano ang gawin niya ay hindi siya makasulat nang maayos. Wala siyang mahanap na inspirasyon.

To the rescue ang best friend niyang isa ring romance writer. Kailangan lang daw niyang mag-unwind para ma-inspire siyang magsulat. Niyaya siya nito sa beach house ng pinsan nito.

Ngunit sa huling sandali ay umurong ito sa usapan kaya nasolo niya ang beach house. Kaya ganoon na lang ang takot niya nang sa unang gabi niya roon ay may lalaking nanloob sa beach house. Bigla ay natagpuan niya ang sariling isinasabuhay ang isang action story sa halip na love story. Ginulpi niya ang lalaki.

Pero mukhang magkakaroon ng twist ang action story. Gusto na niyang maging love story iyon nang makita niya kung gaano kaguwapo at kasimpatiko ang lalaki…

To start with…

Posted on

Hello! This is my first blog post. Sana tumagal pa ang blog na ito at maging successful ang mga future posts ko. Magpo-post ako ng mga teasers dito pati na rin mga reviews. Sana lang wala akong makaaway dito pagdating sa mga opinyon ko. At gagawin ko ang makakaya ko para mapaganda ko pa ang “wordpressing” ko. :)

Hello world!

Posted on

Welcome to WordPress.com. After you read this, you should delete and write your own post, with a new title above. Or hit Add New on the left (of the admin dashboard) to start a fresh post.

Here are some suggestions for your first post.

  1. You can find new ideas for what to blog about by reading the Daily Post.
  2. Add PressThis to your browser. It creates a new blog post for you about any interesting  page you read on the web.
  3. Make some changes to this page, and then hit preview on the right. You can always preview any post or edit it before you share it to the world.
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.